Publicado: Feb 23, 2008
Por: oOdeRz
Duracion: 5:45
Danzar Un Aspera Chorus: O! bayang natigib ng dusa't hinagpis Ang lupa mo'y dinilig ng dugo't pawis Nasaan ang pag-ibig ng Noli? Ganti ba ang kanyang pinanghalili? Itinago sa'yo ang katotohanan Ngunit, babangon mula sa kamatayan I. Noong Disyembreng kay lamig ay nagtapos Ang storyang sa matinding poot ay gapos Kailalima'y nilamon ang 'sang tabo Sa kanyang kanlungan, sumabog, naabo Ngunit ano itong ating nakikita? Sinu-sino ang sa baya'y sasalanta? (Chorus) Gaya ng espingheng muling nagbabalik Sakay ng kubyerta parang maghahasik Kagaya ng mga parkas na manggugutay Kasama ang Magnus Jovem, "Dies Irae" Ang hatol ng kamataya'y napipinto Sa kamay na ang dala'y hiyas at ginto (Chorus) II. Korporasyon na ng prayle ang nabanggit Ngunit lalo lang nag-alab ang langitngit, Sugo ng mapagkunwari ang nagkalat At kasamaan ang siyang naisiwalat Espanyolismo pa ang nais ihasik Ngayong ang lason mo ay lalong pinabagsik Inupatan pa ng buwitre ang himaymay Minos (Hari) ng 'yong mga isla'y walang saysay Yaman mo'y pinid sa "Sancto Sanctorum" Ng Richeliung sa dilim ay lumalagom Ang laman ng isip dapat ay totoo Subalit pa'no, Kung mangmang ang maestro? (Chorus) III. Buhay sa nayon 'di man lang nakaalpas Tales, Selo -- inyong pighating naranas, Istorya man ng estudyante'y napamalas Mga lihim na budhi ng nasa taas Ngunit lahat ng lihim ay mabubunyag Ang mga kaganapa'y mababanaag Panlilinlang ay gaya ng salamangka Mahuhulog ka sa daya ng mahika Sa karimlang kanilang kinasadlakan Sila'y bumangon upang mabigyang katarungan Kung paanong binigyan ng katapusan Ang pag- ibig at pagsintang walang hanggan
Canal: Music
Tags: (with aspera danzar un voice)
Calificacion: ( votos) Reproducciones: 278 Comentarios: 0